DEPED OER GROUP MATAGUMPAY ANG PANAWAGAN - LUPANG HINIRANG HANDOG NG OER


Noong March 29, 2021, ang DepEd Open Educational Resources o kilala sa tawag na DepEd OER ay may isang panawagan mula sa napaka-aktibong admin ng educational group sa bansa na kung saan ang lahat ng miyembro ay hini-hingian ng picture tungkol sa kasalukuyan nilang ginagawa sa araw na iyon at ito'y malugod na mang tinugunan ng mga OER teachers.

Ang panawagan ng admin na ayon sa kanya ay gagawa ang gropo ng video ng Lupang Hinirang na ang laman ng bidyo ay mga gurong umaattend ng flag ceremony at dahil ang iba marahil ay tapos ng magsagawa ng nasabing seremonya kung kaya ang tanging naipadala nilang pictures ay kuha sa kasalukuyan nilang ginagawa. Madalas pinapakita sa mga larawan na ang mga guro ay kasalukuyang dumadalo sa LAC session na pinangunan ng kani-kanilang punong-guro ng bawat paaralan habang ang ibang kaguruan naman ay pina-pa kita nila ang mga gawain tulad ng pag-che-check ng modules, at iang ba ay abala sa pag co-compute ng grades for 2nd quarter. Makikita rin sa mga larawan na kung saan ang mga kaguruan kahit nasa pandemya ay sumusunod sa protocol bilang pag-iingat sa nakakamatay na Covid-19; na kahit nasa ganitong sitwasyon ay hindi hadlang upang maisagawa ang  sinumpaang tungkulin ang maglingkod sa bayan. 

Mapapansin sa komento ng admin na siya ay masayang-masaya habang binabati ang lahat ng nagpapadala ng pictures; ika nga niya sa kanyang komento na habang tinitingnan ang mga larawan ay para na rin daw niyang nilakbay ang buong kapuluan sapagkat ang mga tumugon sa panawagan ng admin ay nagmumula pa sa Luzon, Visayas at pati na sa mindanao. Siya'y gilw ng giliw sa mga malilinis, makukulay at  napakagandang tanawin ng kanilang paaralan at higit sa lahat sa mga naggagandahan at nagga-gwapuhang mga kaguran na ang iba ay hindi alintana ang gabundok na modules maka-selfie lang na makikita sa mukha ang kasiyahang makunan at maibahagi ang ganda ng kanilang paaralan. 

Kung kaya, sa pamamagitan ng mga larawang pinapadala ay agad naman itong ginawan ng bidyo na kung saan makikita ang iba't-ibang  tanawin, at mga ginagawa ng mga kaguruan habang ito ay nilalapatan ng musika  ng pambansang awit ng ating bansa. 

Ang sumusunod ay mga larawang naipadala ng mga napaka-aktibong miyembro na mga guro. Isa sa mga dahilan kung bakit matagumpay ang panawagan ng admin ay dahil sa pagkaka-isa at kooperasyon ng bawat isa. 

Narito ang iba't ibang mga larawan na makikita sa bidyo:



Halina at ating panuorin ang bidyo. Ito ay pwede po magamit bago magsimula sa inyong online class, LAC session o sa mga maliit na pagtitipon-tipon sa paaralan.













































Post a Comment

0 Comments