Kamakailan ay napa-balita na kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na makukuha ng mga guro ang dagdag sahod na ipinagako sa pagbibigay diin niya na malapit sa puso niya ang mga guro. Tinukoy din niya na ang gobyerno ay nahaharap sa mga pangunahing hadlang sa pananalapi na dala ng pandemya.
Si France Castro na Representative ng ACT TEACHERS Partylist ay sinabi niyang ang gobyerno ay may sapat na badyet upang maibigay ang nasabing pagtaas ng sahod.
"Mayroon napakalaking budget na P19 bilyon ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict kahit na may Covid pandemic pero pag sa suweldo, benepisyo at pangunahing pangagailangan ng edukasyon para sa ligtas at kalidad na edukasyon, walang pera dahil sa Covid?" sabi pa ni Castro.
Ang gropong ACT Partylist ay patuloy na isinulong ang Grade 15 na sahod para sa entry level teaching position o Teacher I na ngayon ay P33,575.
"Tumaas na ang presyo ng langis, galunggong at iba pang mga pangunahing bilihin. Kailan na ang pangakong substantial na taas-suweldo ng mga guro at kawani? dagdag niya pa.
0 Comments