Ang Official na Fan Page ng DepEd Philippines ay mayroong bagong post patungkol sa disenyo ng mga bagong uniporme para sa mga teaching at non-teaching personnel ng Kagawaran.
Ang nasabing post ay umani ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga gurong nakakita ng mga aktwal na disenyo ng uniporme, may iilang natuwa at maron din na mang mga negatibong komento sa nasabing disenyo ngunit sa kabuuan ay masaya ang lahat sa nakitang bagong disenyo.
Ito ang nilalaman ng post mula sa opisyal na fan page ng DepEd Philippines.
'"TINGNAN: Ibinida sa DepEd Central Office ang aktwal na disenyo ng mga bagong uniporme para sa mga teaching at non-teaching personnel ng Kagawaran.
Mga bagay na dapat tandaan:
✅ Mayroong P6,000 na clothing/uniform allowance (CUA) para sa taong ito at panibagong 6,000 pesos para sa susunod pang mga taon. Ang allowance na ito ay bilang tugon sa pangangailangan ng mga government employee para sa kanilang uniporme.
✅ Ang mga bagong disenyo ng uniporme ay para sa SY 2021-2022 hanggang SY 2022-2023. Ang susunod na administrasyon at mga opisyal na may hawak ng DUC ay maaaring magdesisyon na panatilihin ang mga disenyong ito hanggang sa nais nilang taong panuruan.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang DepEd Memorandum No. 16, s. 2021: http://bit.ly/DM016S2021"
Narito naman ang mga larawang kuha mula sa DepEd Central Office:
#SulongEdukalidad #DepEdPhilippines #DepEdTayo
0 Comments