Kung kaya nitong araw lang, ay naipost sa opisyal Facebook na ating mahal na Undersecretary for Administration of Department of Education Alain Pascua, "Karagdagang mga school clinics, ipapatupad ng DepEd
Inanunsiyo ni DepEd Secretary Leonor "Liling" Briones ang layunin na magtayo ng 1800 school clinics sa iba't-ibang paaralan sa buong bansa. Ito ay upang magkaroon ng gamit pang hugas ng kamay at iba pang gamit-panlinis, banyo, at lugar para sa mga pasyente.
Ang mga clinic na ito ay magkakaroon din ng mga health personnel upang tumugon sa mga pangangailangang-pangkalusugan ng mga mag-aaral at guro." Ayon pa sa post ng Usec. Alain Pascua.
Ayon pa sa imahe na kasama sa post na may pamagat na,"DepEd Eyes to Add 1,800 School Clinic Nationawide" ay nakasulat ang mensahe ng ating mahal na Secretary ng ating kagawaran,"We are looking to equip more schools with clinics equipped with a lavatory and water system for handwashing and cleaning needs, comfort room, and patient's receiving area in our commitment to strengthen school's capacity to protect our learners, especially with our current situation," (Kami ay naghahanap upang magbigay ng kasangkapan sa maraming paaralan na may mga klinika at may isang lavatory at water system para sa paghuhugas ng kamay at mga pangangailangan sa paglilinis, palikuran, at lugar ng pagtanggap ng pasyente na aming pangako na palakasin ang kakayahan ng paaralan na protektahan ang ating mga mag-aaral, lalo na sa ating kasalukuyang sitwasyon) Ayon pa kay Secretary Leonor Magtolis Briones.
0 Comments