ONLINE VIRUS ALERT: MALICIOUS TAGGING!


Mag ingat sa kahina-hinalang mga post na may maraming naka-tagged na pangalan, o baka nga ay kasama ang pangalan mo sa nai-tag. 

'Malicious tagging' ang tawag dito sa mga security researchers, na pwede nating maiwasan sa pamamagitan ng pag-iwas na i-click ito lalo pa na kung ikaw nai-tag sa hindi mo kilalang fb user. 

Ito ang makabagong scam na linlangin ang biktima na iclick ito upang mai-download ang malware. 

Ano ba ang siste ng scam na ito?

Una, bilang isang gumagamit ng Facebook ay mag-no notify si FB na ang isa sa mga kaibigan mo ay itina-tag ka. Ang makikita mo rito ay isang link ng "Adult" video na makikita mo ang larawan ng babae na tila may ginagawang kalaswaan at mapapansin mo ring napakarami ng iyong kaibigan na nai-tag din. Kung kaya, dahil sa ma-cu curious ka at ma-click mo at may biglang lalabas sa screen mo na kailangan mong mag-update ng Flash Player bago mo mapanuod ang bidyo. At kung ito ay iclick mo, yun na ang simula na kung saan gagana na ang malware na maaring makuha ang info mo at magamit sa illegal na on-line activities nila.

Kaya, please huwag po ninyong iclick at huwag din pong replyan ang post na ito. Kagaya ng nabanggit ko, na kapag naclick mo na ang Update Flash Player, ang mangyayari ay, hindi po talaga mag-update yan, ito ay mag-do download lang ng malware at isa pa; lahat ng personal at banking information ay makukuha ng mga kawatan na ito at posible ring ma-control na ang facebook account mo na gagamitin naman sa panibagong pekeng bidyo na itatag naman lahat ng iyong mga kaibigan. 


Ano nga ba ang malware?

Ang malware ay isang software o program na kung saan ginawa ito upang manira, maminsala o kayang ma-access ang account mo na mula sa mobile device o sa computer system mo mismo.

Babala: Huwag niyo po i-click upang maiwasang magamit ang iyong Facebook account sa kanilang illegal na activities online. 


Kung sakaling na-click mo ang link, narito ang dapat mong gawin:

1. Palitan agad ang password. Kung kailangan pa ng tulong mula kay Facebook i-click ang link sa ibaba:

https://www.facebook.com/help/213395615347144?helpref=faq_content

2. Tingnan ang LOG-IN HISTORY kung may mga kakaibang nag-lo login sa iyong account; i-click ito upang makita mo mismo ang log-in history mo.

3. I-report ang kahina-hinalang post AS SPAM. Pindutin ang MENU (may tatlong tuldok sa bandang kanan at i-click ang REPORT POST para hindi na kumalat pa ang post. 

Ano ang gagawin mo kung sakaling na click mo na ang malicious tagging na ito?

Panuorin ang bidyong ito:

Post a Comment

0 Comments