LAGING PUYAT SA MODULE, ISANG STUDYANTE NASIRAAN NG PAG-IISIP



Isang studyante ang nasiraan ng pag-iisip dahil umano sa palagiang pagpupuyat; hindi na natutulog sa kakaisip para sagutan ang kanyang module na galing sa DepEd at na pe-pressure na maihabol makapagpasa sa deadline ng submission ng modules.

Ito ang dahilan kung bakit nilapit ng kanyang kapatid na si Regine Robles sa social media upang humingi ng tulong at nais niyang lumapit kay Raffy Tulfo in Action or Wish ko lang para maipagamot ang kanyang kapatid. 

Ang mga sumusunod ay mababasa ang kabuuang post mula sa kapatid niya na si Regine:


"Magandang tanghali po. Humihingi po kami ng tulong para sa kapatid ko na may sakit, Humihingi kami ng tulong para mapa psychiatrist ang kapatid ko na si Rochelle Marchan Robles kasi po nananakit na sya. Sana po matulungan nyo kami na maparating to sa kanila sir Raffy Tulfo okaya sa WishKolang Wala po kaming pera pang pagamot nya. Please po pakitulungan kami sa pamamagitan ng pag tag sa kanila. Naaawa na po kami sa kanya.

Maraming salamat po. Sana ay matulungan natin si Rochelle Marchan Robles siya po ay 16years old palang para maranasan ang ganitong sitwasyon. Tinali namin sya kasi nag wawala na sya, dati hindi sya nag wawala, Habang tumatagal lumalala, Bago sya mag kaganyan, Lagi syang puyat sa kakamodule nya, hindi nakakatulog kakaisip sa module.

Kami po ay taga Tanay rizal, at kasalukuyan po kaming nandito sa tito ko, kasi po hindi namin kaya mapiit kapatid ko, pag nag wawala, Tatlo lang po kami ako at ang mama ko tsaka kapatid ko, At ang papa ko po ay matagal na kaming iniwan, Maraming salamat po sa inyo. Pakishare na din po. Salamat po."


Tanay, RizalContact number; 09516278982 yan din po gcash number ko. Sa mga gusto pong tumulong. Maraming salamat po.

Source: Regine Robles FB Account









 

Post a Comment

0 Comments