DEPED, MAGPAPAMAHAGI, MAGLALAGAY NG VIDEO CONFERENCING EQUIPMENT UPANG SUPORTAHAN ANG DISTANCE LEARNING


Hunyo 24, 2021 – Upang mapahusay ang birtwal na koordinasyon sa pagitan ng mga field offices, magpapamahagi at mamimigay ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng video conferencing equipment sa mga field offices upang lalo pang makapagbigay ng mabuting serbisyo sa kabila ng implementasyon ng distance learning.

"We are continuously assisting our field offices in their endeavors for the distance learning. We are providing them tools that could help them deliver our education efficiently to our learners," saad ni Kalihim Leonor Magtolis Briones. 

Binubuo ang mga kagamitan ng 385 collaboration personal computers, 383 monitors, 35 na mga kamera, 15 all-in-one collaboration PC at conferencing tools, at dalawang malaking monitors. Ang lahat ng ito ay gagamitin sa Central, Regional, at Division Offices.

Makatatanggap naman ang mga regional offices ng anim na collaboration personal computers, anim na monitors, at isang kamera, samantalang ang mga division offices ay makatatanggap ng isang collaboration pc at monitor. 

Ang mga kagamitan ay partikular na idinisenyo para sa video conferencing, at gagamitin sa conference rooms ng mga opisina para sa online na pagpupulong at sa mga upskilling programs ng regional at division offices para sa mga kawani. 

Bawat kagamitan ay magkakaroon ng itinalagang DepEd email bilang hiwalay na pagkakakilanlan nito sa mga Microsoft Teams. Dagdag pa rito, magsasagawa ng mga pagsasanay ang Microsoft sa MS Teams upang lalong mapakinabangan ang mga conferencing functionalities nito. 

Magsasagawa rin ang Information and Communications Technology Service (ICTS) ng online briefing at oryentasyon tungkol sa unboxing at proper configuration ng kagamitan. Ang nasabing oryentasyon ay pasisinayahan ng awtorisadong tagapagsanay mula sa supplier.

"Our collaboration and assistance to each other will create a more conducive learning environment for our learners and stakeholders. This is the key to deliver education even we are facing challenges due to pandemic," pagbibigay-diin ng Pinuno ng Edukasyon. 

Bilang parte ng Digital Rise Program, nabanggit ng Pangalawang Kalihim para sa Pangangasiwa Alain Del B. Pascua na ito ang magiging sagot sa mga hamon ng birtuwal na koordinasyon sa mga field offices.

"Through these equipment, our regional and division offices will have access to our platforms and can now enhance their capabilities in conducting video conferences and upskilling programs for our personnel," pagbabahagi ni Usec. Pascua.

Ang pagsisikap na ito ay pinangungunahan ng Information and Communications Technology Service sa pamumuno ni Direktor Abram Y.C. Abanil, sa ilalim ng Administration Strand sa pangunguna ni Pangalawang Kalihim Alain Del. B. Pascua at Assistant Secretary Salvador Malana III. Ito ay parte ng Public Schools of the Future (PSOF) Framework ng Administration Strand sa ilalim ng pamumuno ni Kalihim Leonor Magtolis Briones.

[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/.../deped-to-release-install.../]

#SulongEduKalidad #DepEdPhilippines #DepEdTayo

SANGGUNIAN: DepEd Philippines Official Page

Post a Comment

0 Comments