Inaprubahan na ni Pangalong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng klase sa taong 2021-2022 ngayong Setyembre 13, 2021. Ito ang pahayag ng Kagawaran ng Edukasyon nitong Biyernes lang.
"We thank the President for his full support to the delivery of quality basic education for the incoming school year," (Pinasalamatan namin ang Pangulo para sa kanyang buong suporta sa paghahatid ng kalidad ng pangunahing edukasyon para sa papasok na taon ng pag-aaral)ayon pa sa DepEd sa kanilang pahayag.
"The school calendar for SY 2021-2022 will be released soon.
We hope for our stakeholders' continued cooperation and support as we prepare for another challenging yet worthwhile endeavor of educating our children amid a global health crisis."
(Ang school calendar para sa taong 2021-2020 ay malapit nang mailabas.
Inaasahan namin ang patuloy ng kooperasyon at suporta ng aming stakeholder habang naghahanda kami para sa isa pang hamon ngunit kapaki-pakinabang pagsisikap na turuan ang aming mga anak sa gitna ng isang pandaigdigang krisis sa kalusugan.)
Ang mga paaralan sa basic education ay mananatiling sarado, habang ang mga mag-aaral ay nasa distance learning na klaseng pag-aaral para sa taon ng pag-aaral 2020-2021.
Inaprubahan ni Duterte ang pilot test ng limited face-to-face classes noong Disyembre 2020, ngunit binawi ang kanyang pag-apruba mga linggo ang lumipas dahil sa pag-aalala ng COVID variants.
Tinanggihan din ng Pangulo ang pilot test in-person classs noong Pebrero, dahil ang bansa ay hindi pa naglulunsad ng COVID-19 vaccination program sa mga oras na iyon.
Natutuwa naman ang karamihang mga guro nang marinig ang anunsiyong ito dahil kahit papaano ay mahaba-habang bakasyon ng mga guro ang matatamasa matapos ang napakahabang taong pag-aaral ng 2020-2021.
0 Comments