Header Ads Widget

P20M NAPANALUNAN NG ESTUDYANTE MULA SA LEYTE SA INT'L SCIENCE COMPETITION

  


Muling nag-viral ngayon sa social media ang isang kwento tungkol sa isang estudyanteng nag-uwi ng karangalan noong 2017 matapos itong nanalo sa isang international competition. Basahin ang detalye nito.

Sa isang international Science competition, P20 Million ang napanalunan ng isang estudyante mula sa Letye. Tinalo niya ang mahigit 11,000 entries mula sa buong mundo. 

Napatunayan na ng mga Pilipino na kayang lagpasan ang anumang pagsubok sa buhay at isa nga rito ang isang estudyante na mula pa sa Tacloban, Leyte na isang Yolanda survivor. Kung ating matatandaan na minsang hinagupit ng matinding bagyong Yolanda ang probensiya ng Leyte taong 2013 at isa sa mga apektado ay pamilya ni Hillary Diane Andales, isang Grade 12 student. 



Dahil sa talino, sipag, tiyaga, diskarte at pagkamalikhain ang naging susi niya upang mapagtagumpayan ang nasabing kompetisyon na nilahukan ng libu-libong mag-aaral sa iba't ibang panig ng mundo. 

Itinanghal na grand prize winner ang pride ng Leyte na si Hillary sa international Science competition na Breakthrough Junior Challenge na nilahukan mula sa 178 countries. 

Nagkakahalagang 20 Million Pesos ang naiuwi niya kasama na ang mga premyong nagmumula sa kanyang guro, paaralan at scholarship grant. 

Hinirang na kampeon ang henyong studyante sa kanyang proyekto na pinamagatang "Relativity and the Equivalence of Reference Frames. 



Ang nasabing patimpalak ay naglalayong parangalan ang mga matatalinong mag-aaral na kung sino man ang makapagpapaliwanag sa simple, mas malinaw in layman's term ang mga paraan na komplikado at mga mahirap maintindihan na mga bagay sa siyensiya. Kung kaya, naipaliwanag ni Hillary sa kanyang malikhain at simpleng paraan ng Theory of Relativity sa tulong ng cellphone at pick-up truck.

Sa kanyang panayam, ang tingin niya sa kanyang oras ay "pera". 

"If I don't think about my time as money, I spend it mindlessly. Hindi ko siya iniisip na valuable siya when in fact it is a limited resource," dagdag pa aniya. 

"When I look at my attempts folder, I see myself as someone who's not afraid of failure and someone who is going into things, entering into things with the intent to grow, not to win." pagpapatuloy niya. 

Naibahagi pa ng henyong mag-aaral na nung siya ay maliit pa, imbes na mga fairy tales ang ikwento sa kanya ng kanyang magulang ay mga Science trivia ang umano ang ibinabahagi ng mga ito sa kanya at ito ang dahilan kung bakit napamahal sa agham na nagbigay daan upang makamit ang nasabing kompetisyon. 

Hillary Diane Andales - 2017 Winner Breakthrouh Junior Challenge.

Source: The Daily Sentry








Post a Comment

0 Comments

close