Ang mga piling pribadong paaralan na nag-aalok ng basic education ay papayagang magdaos ng limitadong in-person classes bilang bahagi ng pilot na pagpapatupad ng face-to-face classes na pinamumunuan ng Department of Education (DepEd).
Kinumpirma ni Education Assistant Secretary Malcolm Garma sa Manila Bulletin na sisimulan ng mga piling pribadong paaralan ang pagpapatupad ng limitadong face-to-face classes sa Nob. 22 — isang linggo pagkatapos magsimulang magsagawa ng pilot face-to-face classes ang mga pampublikong paaralan sa Nob. 15.
Sa Laging Handa briefing noong Miyerkules, Nob. 3, sinabi ni Garma na sa kasalukuyan, mayroong "57 pribadong paaralan [na] nakahanda para sa pagsusuri."
“The list of 20 private schools joining the pilot run of face-to-face classes will be released by Nov. 12,(Ang listahan ng 20 pribadong paaralan na sasali sa pilot run ng face-to-face classes ay ilalabas sa Nobyembre 12,)” Ipinaliwanag pa niya in a mix of English and Filipino.
Sa pangkalahatan, mayroong 120 mga paaralan na nag-aalok ng pangunahing edukasyon na kasama sa pilot run ng mga harapang klase. May kabuuang 100 pampublikong paaralan (95 elementarya at limang Senior High School) at 20 pribadong paaralan.
Ito ay isasagawa sa loob ng dalawang buwan sa mga piling pampubliko at pribadong paaralan na nakapasa sa assessment at at evaluation ng parehong DepEd at Department of Health (DOH).
Gaya ng naunang napag-usapan ng DepEd, magkakaroon din ng selection process para sa mga pribadong paaralan tulad na lang sa mga pampublikong paaralan.
Sinabi ng DepEd na natapos na ang mga konsultasyon sa mga asosasyon ng pribadong paaralan at napagkasunduan nila ang proseso ng pagpili.
Pagdating sa pagpili ng mga pribadong paaralan na sasabak sa pilot face-to-face classes, sinabi ng DepEd na ang bawat rehiyon ay hiniling na magnominate ng tatlong pribadong paaralan sa Central Office.
Ang mga nominadong pribadong paaralan ay kailangang suriin ng DOH at DepEd-Private Education Office (PEO) para mapili ang 20 pilot school.
“Private schools who submitted proposals to [the] Central office were referred to Regional offices for inclusion in the evaluation,(Ang mga pribadong paaralan na nagsumite ng mga panukala sa Central office ay isinangguni sa mga Regional office para isama sa pagsusuri)” Sabi pa ng DepEd.
Samantala, ang mga International Schools ay inirekomenda ng DepEd na payagang magpatupad nang face-to-face classes on top 120 dahil sila ay "aako ng buong responsibilidad."
Gayunpaman, sinabi ng DepEd na ang pag-apruba ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay “required” para sa mga International Schools na ito.
Source: mb.com.ph
0 Comments