PAGBABAKUNA KONTRA COVID-19 SA MGA BATANG EDAD 12-17 NA MAY CO-MORBIDITIES | MGA DAPAT MALAMAN UKOL DITO


Ngayon, ang mga batang may risk factors o comorbidities na nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang ay pwede ng mabakunahan kontra COVID-19. Sila ay kabilang sa A3 priority na tatawaging "Pediatric A3."

Mga Dapat Malaman Ukol sa PAGBABAKUNA KONTRA COVID-19 SA MGA BATANG EDAD 12-17 NA MAY CO-MORBIDITIES | PHASE I

1. MAARI NA BANG MABAKUNAHAN KONTRA COVID-19 ANG MGA BATANG EDAD 12-17 TAONG GULANG NA MAY CO-MORBIDITIES?

- Oo! Ang mga bata na nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang na may risk factors o co-morbidities (Eg: Down Syndrome, HIV Cancer, Tuberculosis, at iba pa) ay parte na ng A3 priority groups at tatawaging "Pediatric A3"

2.ANONG MGA BAKUNA ANG MAAARING IBIGAY SA PEDIATRIC POPULATION NA NASA EDAD 12-17 TAONG GULANG NA MAY CO-MORBIDITIES?

- Sa ngayon ay ang mga bakuna pa lamang ng Moderna at Pfizer ang pinahihintulutang gamitin para sa Pediatric A3 population. Ang dalawang bakunang ito ay mayroon ng Emergency Use Authorization mula sa Philippine Food and Drug Administration. 

3. PAANO KO IPAPA-REHISTRO ANG AKING ANAK AT ANU-ANO ANG MGA KINAKAILANGAN?

- 1. Makipag-ugnayan sa pediatrician o ospital ng inyong anak para makakuha ng iskedyul para sa bakuna. Buksan ang link na ito para sa listahang ng walong hospital ng kabilang sa Phase I roll out: bit.ly/PediatricA3Phases

  2. Dalhin ang mga sumusunod na dokumento sa iyong appointment:

a. Medical Certificate mula sa pediatrician/physician ng iyong anak na dini-detalye ang comorbidity/ies ng tatanggap ng bakuna. (Tingnan ang template sa link na ito: https://bit.ly/PediaA3MedicalCertificate)

b. Dokumento na nagpapatunay ng relasyon ng anak sa magulang. 

c. Valid ID ng vaccine recipient at magulang o guardian na may litrato ng magulang o guardian para mapatunayan ang mga ipapakitang dokumento. (e.g. passport)

  3. Kailangang kasama ang parent/guardian sa vaccination site.

4. PAANO KO MAPOPROTEKTAHAN ANG AKING MGA ANAK NA HINDI PARTE NG PEDIATRIC A3 GROUP?

- Patuloy na sundin ang mga minimum public health standards (mask, hugas, iwas, daloy ng hangin). 

Protektahan ang sarili at maging kalasag para sa inyong mga anak laban sa Covid-19!




RESBAKUNA! Kasangga ng bida!


Source: DOH


Post a Comment

0 Comments