“We acknowledged that the right to information is constitutional, and the Department is making sure that the free exchange of information is unhindered and accessible to every Filipino citizen through the implementation of Freedom of Information. This initiative further the policies and programs of DepEd as our stakeholders proactively help us with interpret data and information,” ani Kalihim Leonor Magtolis Briones.
Iginagawad ang nasabing parangal sa mga ahensiya ng gobyerno at mga organisasyon na mayroong bukod-tangi at makabuluhang mga kontribusyon sa pag-unlad at pagsulong ng programa ng FOI at para sa mga nakatanggap ng 1000 at higit pang kahilingan na may halos 90% closed transactions.
Samantala, tinanggap naman ni Bb. Beverly G. Berame, ang FOI Receiving Officer ng Kagawaran at puno ng Public Assistance Action Center, ang FOI Capacity-Building Queen Award sa ginanap na FOI Program Director’s Award.
Noong 2021, inilabas ng Kagawaran ang DepEd Order No. 19, s. 2021 o ang Revised Department of Education People's Freedom of Information Manual and Implementing Details, na nakadisenyo upang bumuo ng mga susunding pamantayan at magbigay ng mga patnubay sa central, regional, school division offices, at mga paaralan sa pag-asikaso at pagtupad sa mga kahilingan para sa impormasyon ng sinumang mamamayang Pilipino.
Ang pagbabago ng the People's FOI Manual ay nakabase sa kinalabasan ng mga pagsasanay sa FOI noong 2018 at sa Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) Innotech noong 2019. Nilalayon nito na maiayon ang pamantayan ng daloy ng trabaho ng FOI sa iba’t ibang lebel ng pamamahala ng DepEd at upang pagtugmain ang mga probisyon ng Manwal sa Republic Act (RA) 11032 o ang Ease of Doing Business Act at RA 10173 o ang Data Privacy Act, at iba pang mga pag-unlad.
“The establishment of standard procedures per respective governance level enables uniformity in monitoring and evaluation mechanisms. It enables easier identification of areas of improvement and to further improve our workflows in the implementation of FOI,” saad ng Puno ng Edukasyon.
Para sa mga hakbang at patnubay patungkol sa Freedom of Information Program ng Kagawaran, bisitahin ang: https://www.deped.gov.ph/.../2021/01/FOI-Info-Program.pdf.
#SulongEdukalidad #DepEdPhilippines #DepEdTayo
Source: DepEd Philippines
0 Comments