Header Ads Widget

DEPED, INAPROBAHAN ANG REKOMENDASYON NG REGIONAL DIRECTORS AT FIELD OPERATIONS NA PAYAGAN ANG MGA GURO NA HINDI MAG-REPORT ON-SITE SA MAYO 2 HANGGANG 13

Inaprobahan ng Kalihim ng Edukasyon sa joint Execom-Mancom meeting na isinagawa nitong Biyernes, sa pagsasaalang-alang ng interes ng serbisyo at ng teaching force, ang rekomendasyon ng Regional Directors at Division Superintendents na inihain sa pamamagitan ng Governance and Operations Strand na payagan ang mga guro na hindi mag-report on-site sa Mayo 2 hanggang 13, sa mga sumusunod na batayan:

1. Karamihan ng mga guro, na may bilang na higit sa 640,000 ay inaasahang maglilingkod sa pambansa at lokal na eleksiyon sa Mayo 9.

2. Gumagawa ng mga paghahanda ang mga guro at mga paaralan para sa mga aktibidad kaugnay ng eleksiyon at mga lugar ng pagbobotohan bago ang araw ng eleksiyon. Magkakaroon din ng agarang post-election activities sa mga eskuwelahan at ng mga guro na maninilbihan sa eleksiyon.

Ang mga gurong hindi maninilbihan sa eleksiyon ay inaasahang patuloy na mag-aasikaso ng mga gawain kabilang ang pagtapos ng mga school forms, paghahanda ng mga instruksiyunal na materyal, paghahanda ng learning plans, at ebalwasyon ng outputs/portfolios ng mga mag-aaral.

Inatasan ng Kalihim ang Governance and Operations at ang Curriculum and Instruction strands na magbigay ng mga naangkop na patnubay sa field units upang maipatupad ang desisyon.

[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/.../deped-approves.../]

#SulongEduKalidad #DepEdPhilippines #DepEdTayo


Source: DepEd Philippines

Post a Comment

0 Comments

close